Council for the Restoration of Filipino Values (CRFV)
  • Home
  • About
  • Services
  • Calendar
  • Resources
  • Contact

Tinig sa Pagtataguyod ng Makabubuti sa Lahat

8/17/2025

0 Comments

 
by: Atty. Carolina Lim-Gamban
Picture
Kamakailan lamang ay sinimulan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangangalkal ng mga records ng mga Contractors ng flood control projects ng gobyerno. Sa bilyun-bilyon na budget na nakalaan dito ilang probinsya pa rin ang lubog sa baha sa tuwing may bagyo, malalakas na ulan na dulot ng habagat at ilang weather disturbances. Ilang taon at ilang budget ba ang kailangan upang maisaayos ito? Mistulang ang public service ay naging personal service o private savings sapagkat kitang kita na ang materyales at ang pagkakagawa ay di naaayon sa standard sa mga ilang proyektong nailantad sa balita. Ang nakasalalay dito ay di lamang mga bahay at ari-arian ng mga residente kung saan nakatayo ang mga proyektong ito kundi pati mga buhay nila. Katulad na lamang sa Metro Manila kung saan ang mga ilang nakaranas ng baha ay nadapuan din ng leptospirosis. 

Nailantad din sa madla ang masakit na katotohanan na ang mga proyektong classroom na nagkakahalaga ng humigit kumulang na 3 milyon ay 3 taon kung ipatayo samantalang nagagawa ito ng mga non-government organizations (NGOs) at ng pribadong sektor ng mas mababa sa isang taon at mas mababang halaga. 

Ilan lamang ang mga ito sa kasayangan sa pondo na nangyayari sa gobyerno. Mga kagagawan ng mga iilan na mas marami ang kawalan sa gobyerno at mamamayan. Ito ang mga gawaing naglalantad na may kakulangan sa ating lipunan sa pagtataguyod ng kung ano ang nakabubuti sa lahat. Sabi nga ni Edmund Burke, “All that is necessary for the triumph of evil is that good men do nothing.” Bukod sa lantarang korupsyon, nakalulungkot na nananaig ang ganitong gawain ng mga kawatan at walang pagpapahalaga sa kapakanan ng kapwa tao dahil marami ang mas piniling hindi makialam at tumahimik na lamang. Mahalaga ang ating tinig at ang boses ng bawat isa ay makakatulong upang sitahin at panagutin ang mga taong may sala. Ito ay isang paraan upang makamit natin ang kabutihang para sa lahat.

Sabi nga sa Biblia (Roma 14:7), “Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang.” Kailangan natin ang bawat isa, di lamang sa pang-araw araw na pamumuhay kundi maging sa pagsugpo ng katiwalian. Makiisa sa pag-ulat ng mga proyektong matagal nang nabinbin at di sang-ayon sa standard ang materyales at pagkakagawa. Isulong natin ang pangkalahatang kabutihan sa pamamagitan ng ating pakikiisa sa pagsubaybay at pagsuri ng mga proyektong dapat ay pakinabangan ng mamamayan. Hindi lamang sa flood control projects kundi pati na rin sa iba pang proyektong pang-istruktura - mga tulay, gusali, dike, at iba pa.

Maraming mga paraan upang iparating sa kinauukulan ang mga makikita nating mga maling gawain sa gobyerno. Sumulat at magreport sa 8888 sa kanilang website https://8888.gov.ph, magreklamo sa Anti-Red Tape Authority sa [email protected], ibahagi ang nalalaman sa Contact Center ng Bayan sa contactcenterngbayan.gov.ph, at isumbong sa Pangulo sa website na sumbongsapangulo.ph. Ngayon ang panahon ng pagbabago. Makiisa at makialam para sa pagbabago - pagbabago para sa bagong Pilipinas!
0 Comments



Leave a Reply.

    CRFV Winning Team

    A company of men and women who have committed their lives to the cause of national transformation.
    Nameless and faceless advocates who are passionate to continuously contribute to nation building.

    Archives

    December 2025
    September 2025
    August 2025
    June 2025
    May 2025
    April 2025
    March 2025
    January 2025
    December 2024
    November 2024
    October 2024
    September 2024
    August 2024
    July 2024
    June 2024
    May 2024
    April 2024
    March 2024
    February 2024
    January 2024
    December 2023
    November 2023
    October 2023
    September 2023
    August 2023
    July 2023
    June 2023
    May 2023
    April 2023
    March 2023
    February 2023
    January 2023
    December 2022
    November 2022
    October 2022
    September 2022
    August 2022
    July 2022
    June 2022
    May 2022
    April 2022
    March 2022
    February 2022
    January 2022
    December 2021
    November 2021
    October 2021
    September 2021
    August 2021
    July 2021
    June 2021
    May 2021
    April 2021
    March 2021
    February 2021
    January 2021
    December 2020
    November 2020
    October 2020
    September 2020
    August 2020

    RSS Feed

    Categories

    All
    CRFV News & Updates
    Supplementary Input
    Weekly Value Focus

Our Services

GAD-PAVES
Paralegal
YLEAD
Values Restoration Program
Other Customized Trainings

Our Organization

Our Mission
Our Vision
Impressions
Contact Us

Support

Support Page
FAQ
Terms of Use
Picture
Council for the Restoration of Filipino Values
Copyright © 2015 | Baguio City, Philippines 2000 | 074-424-1497 | [email protected]
  • Home
  • About
  • Services
  • Calendar
  • Resources
  • Contact